Azkals tiwalang matatalo ang Blue Wolves

Bagama’t natatakpan ng snow ang isang stadium, clear naman ang paglalaruan ng team sa Ulan Bator. Artificial grass ang field sa lugar kahit hindi nakapag-practice, at least natapakan nila ang mismong venue para sa game.
Sa Martes, offensive game pa rin ang plano ng team kontra ang Mongolia, at basta’t makayanan ang lamig, inaasahan nilang mananalo sila muli.
Ang goalkeeper na si Eduard Sacapaño na kapalit ni Neil Etheridge ay determinado namang guwardiyahan ang goal para hindi maka-score ang Mongolia.
Martes ng hapon, nakapag-practice na rin nang maayos ang Azkals sa venue suot ang uniform na may tights na pampainit. (Ni Dyan Castillejo) Read Full Story