Azkals balik-ensayo

Abante

Balik na sa field ang ilang miyembro ng Philippine Azkals simula ngayon.

Una sa listahan na paghahandaan ng Azkals ang Long Teng Cup sa Taiwan na sisipa sa susunod na buwan.

Kasabay ng Azkals ang Under-23 team sa training camp sa Alabang Country Club at Rizal Memorial. Sa Sept. 8-15 ay lilipat ng Bacolod ang seniors team.

Ang U-23 ang isasabak sa Southeast Asian Games sa Indonesia sa Nobyembre. Si national coach Michael Weiss ang hahawak sa training.

Pagkatapos yumuko sa Kuwait sa 2014 World Cup Asian qualifying noong July, nagpahinga muna ang national team.

Ilan sa mga Fil-foreign players ay bumalik sa kanilang base, samantalang sumalang naman ang iba tulad ng magkapatid na James at Phil Younghusband sa ilang local tournaments. Nilathala sa Abante Online